Tuesday, December 2, 2008

Friday, November 14, 2008

Monday, October 13, 2008

che gi dawt JP!

ang meztiza as interpreted by JP.bow

-sprite
-Red Horse
-Emperador
-ice (square hinde tube!by preference)

Instructions:
Mix.
Drink.
Dance the line dance.
Be a rowdy cow girl with matching cowboy hat.
Laugh till you drop.
Party like a Rockstar Ortigas chapter.haha
Enjoy.
Get tipsy.
Get drunk.
Get wasted.
Go home.
Be safe.

Let's do it again.everybody now. . .

Saturday, October 11, 2008

archetype of coolness

chrissie,honey,you make me wet
i mean sweat.hahaha
when i think about you i touch myself.aw
How can you do this to me?
caliente!

Friday, October 10, 2008

and so you're back


and so you're back from outer space
welcome back to the third world philippines
and for good old times sake
mag duty tayo ulit

be very afraid
be very very afraid
marami akong ebidensya
hahaha. welcome back ey!
i miss yah

Thursday, October 9, 2008

everybody now

my blueridge love affair


I know this place a little too well
many years have passed and still
i keep on coming back
when i'm happy or sad or somewhere in between

sober or not

dazed and confused


sabi nga nila this is the place to be. . .(parang commercial lang)


ilang years na ba akong nalalasing at
nakakatulog sa kama ni J
nawawalan ng false eye lashes sa sobrang wasted
at pag gising mo ng umaga katabi mo or ka french kiss mo na ang mga lovable dogs ni J.ow ey!but it happens

aliw d vah?


umaga ng umuwi

ilang inuman n nga ba ang iniyakan ko dito?


dear nichido and ever bilena,

when are you going to send in some samples of your eye liners?

I am in dire need of sponsors for my super emo look.
gusto ko n syang gawin lifestyle! i love it


i was 17 when i started smoking(not blaming anyone)
i was 17 when i started this lifestyle na maging tambay(for this I am blaming myself)
i was 17 when J invited me to partey here
at uminom na parang wala ng beer or alak bukas sa lahat ng brewery ng San miguel Corporation Incorporated
tagal na pala. . .lintek tanda ko na ah!



2nd year college
Blueridge was like a second home and extension of art school and sarah's all in one
Only in blueridge you can make your photography plates till 3 am or later
kase si J ang may dark room sa house
na hanggang ngayon dark room pa rin(very very dark)
sabay inom on the side while developing some plates (photography class kase la pang digital before)and even after college. . .Blueridge pa rin
eh nakailang kurso na nga ba ako?




i still love the place

i will always do

thank you J for letting us

get wasted and just be merry

in your home

for all these years

we will all surely miss the place


kampai!

thank you shei for all the pictures,until next saturday
bring an extra liver and a half lung.yay!

sino lasheng?sinooooooooooooooooo

Monday, October 6, 2008

shiny happy people



It's good to be in love
It really does suit you
Just like everything
I'm happy your in love
'Cause every color goes where you do

para sa mga taong masasaya
and also na miss ko si imogen(naks!Close kami)
para sa mga in luv namely:val and ey
trip lang
i miss yah dahlins
hugs hugs kiss kiss

Wednesday, September 24, 2008

love letter



Dear B,

Miss na kita!

Bukas ang araw ng last shopping day namin ni Mama in the Land down Under.
Lahat ng pasalubong ko ay naka prepare especially sa yo na Maui and Sons na
swim wear.(okay lang ba yun?)Do not worry sa thrift shop ko lahat binili in other words ukay.hehe
Wag ka ng mag aspire na medium ka dito kase iba ang sizing like 10 11 12!
Wag kang denial stage kase kung sasabihin mong size 10 ka ano na ako infant?kaw talaga.(Feeling ka ha)
Di ko makakalimutan mga pasalubong ko sa yo, of course intercourse!
Marami akong dalang tapang kangaroo(that is kung lulusot sa airport!ahaha)
Sana magustuhan mo kase alam kong favorite mo ang meat.
And syempre may dala akong vitamins mo, Marlboro Ultra Light.(Kahit alam kong nag quit ka na daw, pang asar lang sa yo)
Ang yosi na hindi yosi.Poser na yosi.

See you soon!

Nagmamahal at gumagalang,
Ey (A)

Dear Ey,

Before reading your letter i snorted more caffeine in my entire life
just to perk me up because i know this is gonna be a boring one!
Thank you very much .
Anywhoo,I am more than happy to hear from you. You ease away my loneliness. . .that's what you do!ewww. . .more eye liner please
My heart pumps blood from arteries to arteries everytime you write something like this.
Touch ako to the butt.Nothings changed you're still sweet and all.
When are you coming back ?
Just let me know. . .and i will try to shut down all the airports in this god forsaken country
airports from Batanes to Jolo to Babuyan islands.
Sey mo?may geography pang involve.
pero kahit ganyan ka. . .

See you soon dahlin.

hugs hugs kiss kiss
Always,
B

Monday, September 22, 2008

When i grow up . . .



belated happy birthday to yah dahlin JM
you are the best
you are one crazy creature este person pala
maybe we both should go to rehab
lets be roommates
samahan natin si amy as in si . . .amy . . .amy winehouse!
oyeah!
hugs hugs kiss kiss

Sunday, September 21, 2008

the sex guru maybe




You Are the Guru



You are a naturally good counselor. You are inspiring, encouraging, and compassionate.

You are eager to help everyone who crosses your path, even those who don't want to be helped.



You are a natural healer. People feel at peace when they are with you.

You are so good for people, in fact, that they go through withdrawal once you're gone.



You quietly do your own thing, without openly resisting. You secretly try to fix every problem.

Your biggest regret is not being able to help as many people as you'd like.

What Role Do You Play?

everybody raise your bottles y'all!
kwentohang lasheng lang to

Friday, September 19, 2008

Ang continuation. . .

It's oh so quiet
Day Two,Tuesday

The day after mah sister called
Oyeah.Si Mother naman ang tumawag.
Ang ganda ng week na to na sense ko na agad
sa number pa lang na nag appear sa phone ko.

Ring.More Ring.Sige na nga sasagutin ko na.

Mother:Hello!Hello!Naririnig mo ba ako?Hoy M,gumising ka na dyan?Anong oras na ba
dyan at ano ba ginagawa mo dyan sa Mindoro?

Nag iinoman na nman kayo dyan ano? Umayos ka . . .M!Hoy andyan ka pa ba?

Me:Hoo?Husky voice na nman

Chika Chika
Chika another
More chika

Me:ho. . . oho. . .ahhh . . . hmmmm

Mother:Tumawag si ate mo dyan kahapon sabi nya baka kung ano na gingawa mo dyan.
Mag hanap ka work dyan o kaya mag volunteer ka para may ginagawa ka.
Blah Blah Blah

Ako:NR(no reaction)


Mother: Ayusin mo na daw papel mo sabi ng mga Ate mo para mag sama sama na kayo dito.
Ayusin mo na rin Ang NCLEX mo.

Ah dito na ako nabingi.

Me:ho?oho.oo naaaaaaa
Aayusin ko naaaaaa(sarcastic tone syempre)

Dyos ko ano ba nagawa ko kasalanan at krimen sa mundong to.Sana po maubos na ang phone card nya. Please maawa na kayo. . .mag babalik loob na po ako.

Mother: Ay oo nga pala nag usap n kami ng mga Ate mo.Ang desisyon nila mag pakasal ka
na daw dyan kase matagal daw pag umalis ka tapos tsaka ka mag papakasal.

May basbas na naman ng mga Ate mo. Magpakasal ka na sa Mayor lang.
Alam mo yun? Tapos kunin mo witness kung sino available dyan, si Maricel o
kaya si M.


Wait, kelan pa naging pari ang ate ko at marunong na sya mag basbas?(just wondering) Oh well, kaya pumunta si Mother sa US kase wedding ng Kim(2nd). Ang masasabi ko
lang bongga ang wedding. Lets say,pinaghandaan nila. Maayos ang lahat from wedding dress to party and all.Meanwhile,ako daw sa Mayor daw pakasal. . .ah eh sino bang may sabing gusto ko magpakasal na ngayon na ngayon na?as in now na?parang give away lang ako ah.

Ang masasabi ko lang, Inay anak nyo ba talaga ako?
Grabe!Mukhang potent ang sinisinghot nyo dyan ah. Padalhan nyo nman ako oh.

Nakakalokahhhh. hindi ako na ka react.

Me:ha ha ha.ano bahhhhhh. . . bahala na ako sa buhay kooooooooo.
(my heart beating as if mawawala sya sa rib cage ko!ow ey)


At biglang nag flash sa isip ko ang pangarap kong wedding.Las Vegas style. Ako si Marilyn Monroe and si darrrrlinggg naka Elvis outfit nman . Oha, na imagine mo ang dalawang icons mag kasama. Talbog lahat kahit si Christina Aguilera di maiisip yun. Baklang bakla d vah?Pero gagawin ko talaga yan sa tamang panahon.
Don't ry me!

Si Mother talaga ibang breed, kung anu ano trip sa buhay.
Buti pa si Bjork quiet lang sya. . .

Thursday, September 18, 2008

Loneliness is not allowed

Nobody does it better
Ate you're the best

Naalala ko lang at syempre everytime naiisip ko sobrang tumbling talaga ako. Ow ey!
Sabihin na lang nating may ngiti sa labi.

Location:Mindoro
Day:Monday (about two weeks ago or one week?)
Wala ako oras pag nasa isla ako.

Lunes na Lunes, okay na sana ang buhay ko at tahimik sa isla.
Nag ring ang phone. Mga 7am. Bakit ba ang aga ng ate ko mang asar?
Ate calling from the land of Rapunzel and corned beef na may susi! oyeah

B:helllooo (bedroom husky voice)
Ate:Hello!Hoy!Naririnig mo ba ako?
o bakit ganayan boses mo?

B:Ang aga pa naman ate kaya husky voice ko nohhhhh

Ate:Ay naku M! Ikaw talaga M.Siguro lasing ka na namn at nag yoyosi ka kaya ganyan na boses mo?
Blah blah blah (falsetto mode)

At siguro nag drugs ka no?

B:Ow ey naman!anu vehhh.ang aga aga nga kaya ganito boses ko

Finally nag alto na rin boses nya.
Chika chika and more Chika
Kumustahan mode another kahit alam almost everyday tumatawag sa YM.
More chika chika again
And finally lumabas ang agenda

Ate:M, ganyan talaga matagal maghintay ng work la la la
Matagal talaga mag ayos ng papers pero pag okay nman derederecho na.
Kelangan pa din nman ng nurses dito. (or something to that effect na chika)

Anu bang nagyayari sa yo ha?blah blah blah
Siguro talagang nag drudrugs ka na nga nooooo (take two)

B:React ng slight sabay tawa ako ng tawa as if wala ng bukas.

Ate:Hoy!M, seryoso ako.
Pagbalik mo ng Manila mag pa drug test ka and send mo sa akin ang result.ASAP.

Whoa.Di ako nakarecover talaga naloka ang ako.

Ate:At eto pa, nag sisimba ba kayo ni A?

B:Ha?ahhhh ehhhh alam ko si A (younger sister ko) nag sisimba?Ahahahahahahaah
(ehhh.wrong answer)

Ate:Hay naku M!!! Atheist ka na talaga. Magsimba nman kayo.
Okay ganito, pumunta ka sa church natin dyan. Hanap ka pari na kilala ko
then mag pa picture ka sa tabi nya or sama mo M(my friend)para may picture ka.
Gusto ko may picture ka habang nag coconfession ka ha
then tatawagan ko si Father kung talagang nagpunta ka dun.
okay ba yun, di ko nman tatanungin mga kasalan mo e.

Whoa!Talbog

Ate:O sya mauubos na phone card ko. Ingat kayo!oy check mo friendster ko ha, okay ba mga pictures ko?
Okay ba make up ko sa wedding ni Kim?Check mo ha. Imedeficccc ako dun.
Bye.mwah

That night
nag check ako email ko
Wow.
An email from my ate; kerygma email slash video.
Ayus!
Thanks ate.Touch ako to the butt.
Magbabagong buhay na po ako. . . bukas. . . sa susunod na bukas. . .sa isang taon.

Maybe yes. . . maybe no

Headache Fatale
Maybe i should start snorting pain relievers.
Magkano na ba banig ng vicodin!
Asan na ba ang mortar and pestle ko.sheesh

Wag kang sasama

what do we have here?

super tawa ako ng tawa
kase sobrang conservative naman ng lyrics
mabuhay si Jp for introducing Ambing.yay

never mind the visual
Wag kang sasama-Ambing

Tuesday, September 16, 2008

ang batang tambay sa gitna ng crisis


one month.
one month na pala ako wala.
ang daming nangyari.
umalis at bumalik.
bumalik at umalis.
sabi nga ni lisa loeb,stay.

balak ko na talaga bumili ng black eye liner para complete na ang emo look

anywho, hello y'all i am back!

(hi!M, i am reclusive no more)

Sunday, August 17, 2008

Wednesday, August 13, 2008

panic at the disco!



Dear Ey,

Hi!Yes, I am still alive.
Hi!Ey, how are you doing?

Noong umalis ka nalungkot ako, hanggang ngayon malungkot pa ako.
Wala na lumalaban sa akin, wala na bumabastos sa akin. Wala na rumirespeto s a akin.
Boring na buhay ko. Wala na akong ka-love slash hate relationship.

Pero ang alam ko masaya ka ngayon. At syempre , my generic comment, pag masaya ka masaya na din ako. Sweet ko no?

Tell me about it!

Missing yah!

Nagmamahal,
Kapamilya

Tuesday, July 22, 2008

My pin –up girls




Brigitte Bardot. Love the hair.


Edna Mode. Accent dahlin.

Jane Birkin

From the swinging 60’s!

I love. I love.


Patti smith

Art. Music. Character


Bettie Page
The Notorious Bettie Page

Gia. 80's kid.


Amy Winehouse

For Music more than anything else

Vivienne Westwood.Sex Pistols+ Westwood=Punk

Cher

Baklah ka.

Madonna


Mother from the Third world


Finally!
Mother left for Chicago last Tuesday.

Ang kwento.

Matapos ilista ang mga requests ng dalawa kong kapatid at mga pinsan. Ako, si M, M at Mother ang pumunta sa mall. Nakakalokah buong outfit ang binili para lang sa byaheng to! Sige na nga pag bigyan na natin si Mother. From top to bottom binili para sa kanya. . . kase yun ang trip nya. Hay buhay. Sino ba naman ako para pigilin ka. . .

Nag request din sya na bumili ng bagong cellphone kase daw kawawa naman ang phone nya. So buy nman si M ng triband para magamit nya doon. Well sa estado nga nman ng cellphone nya na nag mumurang pink kahit ako wala akong planong dalhin yun kung aalis na din ako ng bansa. Kahit siguro snatcher sa Republic of Recto isosoli pag naholdap sya. Kawawang cellphone.

At syempre napadaan kami sa beauty section ng mall. Biglang kelangan daw nya ng bagong lipstick at foundation. Sige na nga. Hindi kumpleto ang look for less kung walang make –up di vah?

Di talaga nag pa awat sa request na make-up. Maybelline ang napili. Si Mother talaga. . . teen-ager at heart!

Nag dinner sa paboritong nyang restaurant.

At umuwi. Enjoy naman sya.
Hanggang batok ang ngiti nya.

The day before mother’s departure.

Alam mo naman pinoy. To the last minute may mga pahabol pang requests.

( okay, go!) Ewan ko ba sa mga ate at pinsan ko of all things pa na gusto nilang pasalubong ay ang corned beef. Purefoods that is. Sino ba nag endorser nito at mukhang affected sila. Kris, tito Boy ikaw ba yan? Ang reason: dryness daw kase ang corned beef sa US. . . sorry, sa part na to di ako maka relate. Aw!

Mga 20 pieces na lata ng corned beef lang naman yung dala ni Mother. Siguro naman okay na sa kanila yun. Oh anyways, la din nman dala si Mother. No worries kung baga.
Mother’s Luggage: Items from the islands Philippines

-3 bottles of Mompo (grape wine)?don’t ask me. Di ko din alam kung bakit.

-Some local biscuits. Wah. Please don’t ask me. YM nyo na lang si mother. Why oh why? Baka sakaling masagot nya ang mga q and a portion dito.

-some clothes, shoes, slippers ad other basic toiletries.

-the host (about 2 bags)from St. Paul sa mga SM makikita. host aka ostiya the holy bread which is eaten at communion. ahh yan ang di ko lam bakit sya mag dadala

-20 pieces Purefoods Corned beef.

-party favors/give aways (for my sister’s wedding)

Philippine made lahat yun

-mga ilang bote ng coco jam.di ko din alam ang reason. Why oh why?

Ganyan mag impake si Mother. Eclectic! (Medyo sumakit ulo ko dun ah)

The afternoon before Mother’s flight.

Maraming ka phone pal si Mother noong hapon na yun. Tumbling sya sa pag ubos ng load ng kanyang cellphone. Alam mo na parang call center lang yung feeling. Lahat na ata ng kaibigan nya at kamag anak sa lahat ng part eng Pilipinas ang nakausap nya ng hapon n yon. Oha. Bongga ang globe!

Dahil sa globe abot mo ang mundo! Connect si Mother dyan.

Halos maubos ang lakas ko at kaluluwa sa pag tuturo sa kanya sa pag gamit ng bago nyang cellphone. Mga 2 oras siguro or more kaming nag tuturuan ay syempre d pa din nya nakuha. Hay bahala na nga.

The Departure.

Maraming briefing kung ano gagawin nya kase si Mother ay Senior citizen na. Alm mo na. . . medyo hindi pa jetsetter kaya may konting kaba.

Maraming Q and A portion and more briefing. Again maraming Q and A at more briefing. Hahaha. Sana nga may recorder ako kagaya ng sa mga reporter. Helpful yun di vah?

Madaling araw kami lumakad pa airport.
Nagpaalam at pumasok na ng airport si Mother.

Kami nman ni M nag pahatid na sa QC.

Mga ilang oras pa ako bago nakatulog sa takot ko lang na mag ka problema sa airport si Mother.

Hay salamat. Wala namang tumawag.

Wednesday, July 9, 2008

Q and A Portion

Dear B,

Maari bang malaman kung ano ang Top Ten sa Videoke Hitlist/ Repertoire

mo noong nag Mrs.Beef pa kayo?

Xoxo

M

*Mrs.Beef, Pantranco Area (isang hole in the wall type videoke joint)

Iba na ang name nya ngayon at iba na rin ang kulay ng ilaw sa loob- red na!

Ghanon!

Dear M,

Ang masasabi ko lang. . . sayang!

Hindi mo nakita ang performance level at marinig ang above average kong boses.

Medyo marami pa naman ang nag re request sa vocals ko.

Maraming tao doon sa area lalo na ang mga nag papahingang drivers ng

Pantranco Toda. Andun sila pag walang byahe. Fanatic!

Enough.

Masyadong ko ng pinupuri ang sarili kong talento.

Ang masasabi ko lang ay 0372 at 0156! Yun na

Kumuha ng ballpen at papel at isang basket ng limang piso.

Go!

1. Kokomo- Beach Boys

2. Kialanman- Introvoys

3. Out of Reach- Gabrielle

4. Listen to Your Heart- Roxette

5. With or Without you- U2

6. Alone-Heart

7. These Dreams-Heart

8. Crazy for You- Madonna

9. Dreamlover-Mariah Carey (feeling ko ang kaya ko to!)

10. Stars are Blind- Sister Paris Hilton, o yeah!

That’s all dahlin!

Mwah

B

Tuesday, July 8, 2008

For starters

Naaliw talaga ako sa mga lists, Top ten list,

video Hitlist Parade(80’s!)

So, hindi rin ako paawat di ba?.

Gumawa din ako ng top ten list ko.zay!

Mga paboritong kong restaurants slash tambayan sa buong Pilipinas.

Ang Top 10.

No.1
Greens Vegetarian Restaurant and Café
92 Sct. Castor Street

Timog, Quezon City

Ako na siguro ang Ambassador ng Greens Vegetarian Restaurant and Cafe.

Lahat na ng kakilala ko dinala ko na Greens. Dapat siguro may cut na ako sa bawat costumer na madadala ko.hay!

Ang sa akin lang. . .meron na convert meron naaliw sa food ng Greens.(ano yan Circus!) Kahit nga presyo na memorize ko na. Everybody now!(Ow ey)

Seryoso.

Egg-less cakes. Winner!

Naalala ko nga noong kabataan ko, este college years ko, ang place ng Zucchini’s Grill and Vinotek, na nasa G/F Trans-Orient Maritime Agency Bldg. 66 Timog ang Greens noon. Then lumipat na sila sa place na nila ngayon. Oha! Nalaman ang age range kow.

Try mo: Greens Barbeque, Mango custard, chocolate cake, Cheesy soy stick

No.2
Bodhi
Banawe St
corner Del Monte St
Quezon City

632-7119967

Bodhi na makikita natin sa mga SM FoodCourt na meron din sa Banawe.Ovo at Lacto vegetarian dito ang offer pero more on Chinese ang clientele.Aliw din dito kase makakabili ka ng mga ingredients na pwede mo iluto like veggie meat at quality na tofu.

No.3
The Chocolate Kiss Café
Bahay Ng Alumni
UP Diliman, Quezon City
http://www.thechocolatekiss.com/

Maraming college memories . . . Emotional!

Sa Chocolate Kiss ako unag nakipag date.ghanon!

Well, kase college pa kami noon. Syemre lalayo ka pa ba?

Ganito kase yan, haha, meron akong friend na merong computer shop sa Bahay Ng Alumni. Dun kami nag hang out after class or kahit walang klase. At syempre may Old Manila pa nun sa Alumni.

Nagsimula sila sa second floor ng Bahay ng Alumni then nag expand sila at nagkaroon din sa lower floor and later on meron na sa may Roces.

Type ko ang place kase maraming paintings slash artworks on the side and early evening live music ang drama dito pag dinner time. Sobrang tumbling talaga ang puso ko .

Try mo:Walnut cake,ang walang hanggang iced tea,seafood pomodori, chicken ala kiev

No.4
Thuk (Thai Food
San Miguel Avenue
, Ortigas
0917-8008485

Hole in the wall type ang kainan na to. Reasonably priced ang food. In between Linden Suites At Medical Plaza Ortigas ang location ng Thuk.

Wild and Mild ang drama dito but then syempre kaw na magdesisyon.

Try mo:Pad Thai and yung dessert na water chestnut
garlic pepper squid at shrimp bagoong rice

No.5

NApoli
The Block, SM North

Ang alam ko noong college ako(sheesh,tanda ko na) A Veneto NApoli sa Visayas Avenue pa lang then meron na sa Timog sa may Imperial Suites. Then ang latest ang nasa the block.

One time, kumain kami doon then chica yung owner. Nasabi ko kase na may Napoli din sa Timog And Visayas Avenue. Sister daw nya ang nagstart ng Napoli and kanya daw yung sa Sm.Bongga Ka Sir!

Super Large Serving of Pizza and Pasta kelangan kasama mo ang buong basketball team. Okay.

No.6
SuperBowl of China
SM Malls

Kase paborito ng ate ko at ng Nanay ko. Lahat na ata ng okasyon sa buhay ng familia de horror. . .sa Superbowl pa din ang bagsak.

Kahit sobrang haggard ng haba ng pila every weekend eh dun pa din ang punta ng Nanay. Hay nakow. kase nga may libreng chicharon bago dumating ang order. . .hay ang mga Nanay nga naman.

Try mo:dimsum , tofu and vegetables, yang chow fried rice at Tsingtao (hehe)

No.7
David’s Tea house
21 Timog Avenue
Quezon City

374-1557

Every after drinking session: 2 choices lang yan Wan chai kung bukas pa sya or David's Tea House na super late na mag sara. 24 hours nga ba sila?feeling ko lang.

Try mo:Ang walang kamatayang chili sauce

No.8

Teriyaki Boy

Tomas Morato

2nd Floor, Tomas Morato Plaza, Tomas Morato
Quezon City

9267757-59)

http://www.teriyakiboy.com.ph/portal/

Gwapo nag mga waiters and pretty girls naman ang mga waitress dito.

Mac, dito tayo!hehe

Aliw lang japanese food nila and type ko Japanese food.

Try mo:sushi,kani salad,agedashi tofu

No.9
Kaya Korean Restaurant
Megamall
636-4635

Anong haseo!

Type ko ang Korean food.Cute ang mga servings. Type ko ang kimchi

Yun na!

Try mo:kodeungo gui, dak bulgogi, kimchi samahan mo na ng Soju(Ow ey!)

No.10
Jimwell Restaurant
Calapan city
Oriental Mindoro

Ang Paboritong tambayan slash restaurant slash videoke place sa Calapan City. Ang Place to be sa isang small town. Pag umuuwi ng probinsya asahan mong dito mag iinuman pag kumagat ang dilim. Bow.

Ang walang kamatayang pansit at lomi at sweet and sour lapu-lapu at ang murang alak. Bongga!

Oh well, yan lang yung paborito ko.

Mood: Bored Slash Bum