Tuesday, July 22, 2008

My pin –up girls




Brigitte Bardot. Love the hair.


Edna Mode. Accent dahlin.

Jane Birkin

From the swinging 60’s!

I love. I love.


Patti smith

Art. Music. Character


Bettie Page
The Notorious Bettie Page

Gia. 80's kid.


Amy Winehouse

For Music more than anything else

Vivienne Westwood.Sex Pistols+ Westwood=Punk

Cher

Baklah ka.

Madonna


Mother from the Third world


Finally!
Mother left for Chicago last Tuesday.

Ang kwento.

Matapos ilista ang mga requests ng dalawa kong kapatid at mga pinsan. Ako, si M, M at Mother ang pumunta sa mall. Nakakalokah buong outfit ang binili para lang sa byaheng to! Sige na nga pag bigyan na natin si Mother. From top to bottom binili para sa kanya. . . kase yun ang trip nya. Hay buhay. Sino ba naman ako para pigilin ka. . .

Nag request din sya na bumili ng bagong cellphone kase daw kawawa naman ang phone nya. So buy nman si M ng triband para magamit nya doon. Well sa estado nga nman ng cellphone nya na nag mumurang pink kahit ako wala akong planong dalhin yun kung aalis na din ako ng bansa. Kahit siguro snatcher sa Republic of Recto isosoli pag naholdap sya. Kawawang cellphone.

At syempre napadaan kami sa beauty section ng mall. Biglang kelangan daw nya ng bagong lipstick at foundation. Sige na nga. Hindi kumpleto ang look for less kung walang make –up di vah?

Di talaga nag pa awat sa request na make-up. Maybelline ang napili. Si Mother talaga. . . teen-ager at heart!

Nag dinner sa paboritong nyang restaurant.

At umuwi. Enjoy naman sya.
Hanggang batok ang ngiti nya.

The day before mother’s departure.

Alam mo naman pinoy. To the last minute may mga pahabol pang requests.

( okay, go!) Ewan ko ba sa mga ate at pinsan ko of all things pa na gusto nilang pasalubong ay ang corned beef. Purefoods that is. Sino ba nag endorser nito at mukhang affected sila. Kris, tito Boy ikaw ba yan? Ang reason: dryness daw kase ang corned beef sa US. . . sorry, sa part na to di ako maka relate. Aw!

Mga 20 pieces na lata ng corned beef lang naman yung dala ni Mother. Siguro naman okay na sa kanila yun. Oh anyways, la din nman dala si Mother. No worries kung baga.
Mother’s Luggage: Items from the islands Philippines

-3 bottles of Mompo (grape wine)?don’t ask me. Di ko din alam kung bakit.

-Some local biscuits. Wah. Please don’t ask me. YM nyo na lang si mother. Why oh why? Baka sakaling masagot nya ang mga q and a portion dito.

-some clothes, shoes, slippers ad other basic toiletries.

-the host (about 2 bags)from St. Paul sa mga SM makikita. host aka ostiya the holy bread which is eaten at communion. ahh yan ang di ko lam bakit sya mag dadala

-20 pieces Purefoods Corned beef.

-party favors/give aways (for my sister’s wedding)

Philippine made lahat yun

-mga ilang bote ng coco jam.di ko din alam ang reason. Why oh why?

Ganyan mag impake si Mother. Eclectic! (Medyo sumakit ulo ko dun ah)

The afternoon before Mother’s flight.

Maraming ka phone pal si Mother noong hapon na yun. Tumbling sya sa pag ubos ng load ng kanyang cellphone. Alam mo na parang call center lang yung feeling. Lahat na ata ng kaibigan nya at kamag anak sa lahat ng part eng Pilipinas ang nakausap nya ng hapon n yon. Oha. Bongga ang globe!

Dahil sa globe abot mo ang mundo! Connect si Mother dyan.

Halos maubos ang lakas ko at kaluluwa sa pag tuturo sa kanya sa pag gamit ng bago nyang cellphone. Mga 2 oras siguro or more kaming nag tuturuan ay syempre d pa din nya nakuha. Hay bahala na nga.

The Departure.

Maraming briefing kung ano gagawin nya kase si Mother ay Senior citizen na. Alm mo na. . . medyo hindi pa jetsetter kaya may konting kaba.

Maraming Q and A portion and more briefing. Again maraming Q and A at more briefing. Hahaha. Sana nga may recorder ako kagaya ng sa mga reporter. Helpful yun di vah?

Madaling araw kami lumakad pa airport.
Nagpaalam at pumasok na ng airport si Mother.

Kami nman ni M nag pahatid na sa QC.

Mga ilang oras pa ako bago nakatulog sa takot ko lang na mag ka problema sa airport si Mother.

Hay salamat. Wala namang tumawag.

Wednesday, July 9, 2008

Q and A Portion

Dear B,

Maari bang malaman kung ano ang Top Ten sa Videoke Hitlist/ Repertoire

mo noong nag Mrs.Beef pa kayo?

Xoxo

M

*Mrs.Beef, Pantranco Area (isang hole in the wall type videoke joint)

Iba na ang name nya ngayon at iba na rin ang kulay ng ilaw sa loob- red na!

Ghanon!

Dear M,

Ang masasabi ko lang. . . sayang!

Hindi mo nakita ang performance level at marinig ang above average kong boses.

Medyo marami pa naman ang nag re request sa vocals ko.

Maraming tao doon sa area lalo na ang mga nag papahingang drivers ng

Pantranco Toda. Andun sila pag walang byahe. Fanatic!

Enough.

Masyadong ko ng pinupuri ang sarili kong talento.

Ang masasabi ko lang ay 0372 at 0156! Yun na

Kumuha ng ballpen at papel at isang basket ng limang piso.

Go!

1. Kokomo- Beach Boys

2. Kialanman- Introvoys

3. Out of Reach- Gabrielle

4. Listen to Your Heart- Roxette

5. With or Without you- U2

6. Alone-Heart

7. These Dreams-Heart

8. Crazy for You- Madonna

9. Dreamlover-Mariah Carey (feeling ko ang kaya ko to!)

10. Stars are Blind- Sister Paris Hilton, o yeah!

That’s all dahlin!

Mwah

B

Tuesday, July 8, 2008

For starters

Naaliw talaga ako sa mga lists, Top ten list,

video Hitlist Parade(80’s!)

So, hindi rin ako paawat di ba?.

Gumawa din ako ng top ten list ko.zay!

Mga paboritong kong restaurants slash tambayan sa buong Pilipinas.

Ang Top 10.

No.1
Greens Vegetarian Restaurant and Café
92 Sct. Castor Street

Timog, Quezon City

Ako na siguro ang Ambassador ng Greens Vegetarian Restaurant and Cafe.

Lahat na ng kakilala ko dinala ko na Greens. Dapat siguro may cut na ako sa bawat costumer na madadala ko.hay!

Ang sa akin lang. . .meron na convert meron naaliw sa food ng Greens.(ano yan Circus!) Kahit nga presyo na memorize ko na. Everybody now!(Ow ey)

Seryoso.

Egg-less cakes. Winner!

Naalala ko nga noong kabataan ko, este college years ko, ang place ng Zucchini’s Grill and Vinotek, na nasa G/F Trans-Orient Maritime Agency Bldg. 66 Timog ang Greens noon. Then lumipat na sila sa place na nila ngayon. Oha! Nalaman ang age range kow.

Try mo: Greens Barbeque, Mango custard, chocolate cake, Cheesy soy stick

No.2
Bodhi
Banawe St
corner Del Monte St
Quezon City

632-7119967

Bodhi na makikita natin sa mga SM FoodCourt na meron din sa Banawe.Ovo at Lacto vegetarian dito ang offer pero more on Chinese ang clientele.Aliw din dito kase makakabili ka ng mga ingredients na pwede mo iluto like veggie meat at quality na tofu.

No.3
The Chocolate Kiss Café
Bahay Ng Alumni
UP Diliman, Quezon City
http://www.thechocolatekiss.com/

Maraming college memories . . . Emotional!

Sa Chocolate Kiss ako unag nakipag date.ghanon!

Well, kase college pa kami noon. Syemre lalayo ka pa ba?

Ganito kase yan, haha, meron akong friend na merong computer shop sa Bahay Ng Alumni. Dun kami nag hang out after class or kahit walang klase. At syempre may Old Manila pa nun sa Alumni.

Nagsimula sila sa second floor ng Bahay ng Alumni then nag expand sila at nagkaroon din sa lower floor and later on meron na sa may Roces.

Type ko ang place kase maraming paintings slash artworks on the side and early evening live music ang drama dito pag dinner time. Sobrang tumbling talaga ang puso ko .

Try mo:Walnut cake,ang walang hanggang iced tea,seafood pomodori, chicken ala kiev

No.4
Thuk (Thai Food
San Miguel Avenue
, Ortigas
0917-8008485

Hole in the wall type ang kainan na to. Reasonably priced ang food. In between Linden Suites At Medical Plaza Ortigas ang location ng Thuk.

Wild and Mild ang drama dito but then syempre kaw na magdesisyon.

Try mo:Pad Thai and yung dessert na water chestnut
garlic pepper squid at shrimp bagoong rice

No.5

NApoli
The Block, SM North

Ang alam ko noong college ako(sheesh,tanda ko na) A Veneto NApoli sa Visayas Avenue pa lang then meron na sa Timog sa may Imperial Suites. Then ang latest ang nasa the block.

One time, kumain kami doon then chica yung owner. Nasabi ko kase na may Napoli din sa Timog And Visayas Avenue. Sister daw nya ang nagstart ng Napoli and kanya daw yung sa Sm.Bongga Ka Sir!

Super Large Serving of Pizza and Pasta kelangan kasama mo ang buong basketball team. Okay.

No.6
SuperBowl of China
SM Malls

Kase paborito ng ate ko at ng Nanay ko. Lahat na ata ng okasyon sa buhay ng familia de horror. . .sa Superbowl pa din ang bagsak.

Kahit sobrang haggard ng haba ng pila every weekend eh dun pa din ang punta ng Nanay. Hay nakow. kase nga may libreng chicharon bago dumating ang order. . .hay ang mga Nanay nga naman.

Try mo:dimsum , tofu and vegetables, yang chow fried rice at Tsingtao (hehe)

No.7
David’s Tea house
21 Timog Avenue
Quezon City

374-1557

Every after drinking session: 2 choices lang yan Wan chai kung bukas pa sya or David's Tea House na super late na mag sara. 24 hours nga ba sila?feeling ko lang.

Try mo:Ang walang kamatayang chili sauce

No.8

Teriyaki Boy

Tomas Morato

2nd Floor, Tomas Morato Plaza, Tomas Morato
Quezon City

9267757-59)

http://www.teriyakiboy.com.ph/portal/

Gwapo nag mga waiters and pretty girls naman ang mga waitress dito.

Mac, dito tayo!hehe

Aliw lang japanese food nila and type ko Japanese food.

Try mo:sushi,kani salad,agedashi tofu

No.9
Kaya Korean Restaurant
Megamall
636-4635

Anong haseo!

Type ko ang Korean food.Cute ang mga servings. Type ko ang kimchi

Yun na!

Try mo:kodeungo gui, dak bulgogi, kimchi samahan mo na ng Soju(Ow ey!)

No.10
Jimwell Restaurant
Calapan city
Oriental Mindoro

Ang Paboritong tambayan slash restaurant slash videoke place sa Calapan City. Ang Place to be sa isang small town. Pag umuuwi ng probinsya asahan mong dito mag iinuman pag kumagat ang dilim. Bow.

Ang walang kamatayang pansit at lomi at sweet and sour lapu-lapu at ang murang alak. Bongga!

Oh well, yan lang yung paborito ko.

Mood: Bored Slash Bum