Finally!
Mother left for Chicago last Tuesday.
Ang kwento.
Matapos ilista ang mga requests ng dalawa kong kapatid at mga pinsan. Ako, si M, M at Mother ang pumunta sa mall. Nakakalokah buong outfit ang binili para lang sa byaheng to! Sige na nga pag bigyan na natin si Mother. From top to bottom binili para sa kanya. . . kase yun ang trip nya. Hay buhay. Sino ba naman ako para pigilin ka. . .
Nag request din sya na bumili ng bagong cellphone kase daw kawawa naman ang phone nya. So buy nman si M ng triband para magamit nya doon. Well sa estado nga nman ng cellphone nya na nag mumurang pink kahit ako wala akong planong dalhin yun kung aalis na din ako ng bansa. Kahit siguro snatcher sa Republic of Recto isosoli pag naholdap sya. Kawawang cellphone.
At syempre napadaan kami sa beauty section ng mall. Biglang kelangan daw nya ng bagong lipstick at foundation. Sige na nga. Hindi kumpleto ang look for less kung walang make –up di vah?
Di talaga nag pa awat sa request na make-up. Maybelline ang napili. Si Mother talaga. . . teen-ager at heart!
Nag dinner sa paboritong nyang restaurant.
At umuwi. Enjoy naman sya.
Hanggang batok ang ngiti nya.
The day before mother’s departure.
Alam mo naman pinoy. To the last minute may mga pahabol pang requests.
( okay, go!) Ewan ko ba sa mga ate at pinsan ko of all things pa na gusto nilang pasalubong ay ang corned beef. Purefoods that is. Sino ba nag endorser nito at mukhang affected sila. Kris, tito Boy ikaw ba yan? Ang reason: dryness daw kase ang corned beef sa US. . . sorry, sa part na to di ako maka relate. Aw!
Mga 20 pieces na lata ng corned beef lang naman yung dala ni Mother. Siguro naman okay na sa kanila yun. Oh anyways, la din nman dala si Mother. No worries kung baga.
Mother’s Luggage: Items from the islands Philippines
-3 bottles of Mompo (grape wine)?don’t ask me. Di ko din alam kung bakit.
-Some local biscuits. Wah. Please don’t ask me. YM nyo na lang si mother. Why oh why? Baka sakaling masagot nya ang mga q and a portion dito.
-some clothes, shoes, slippers ad other basic toiletries.
-the host (about 2 bags)from St. Paul sa mga SM makikita. host aka ostiya the holy bread which is eaten at communion. ahh yan ang di ko lam bakit sya mag dadala
-20 pieces Purefoods Corned beef.
-party favors/give aways (for my sister’s wedding)
Philippine made lahat yun
-mga ilang bote ng coco jam.di ko din alam ang reason. Why oh why?
Ganyan mag impake si Mother. Eclectic! (Medyo sumakit ulo ko dun ah)
The afternoon before Mother’s flight.
Maraming ka phone pal si Mother noong hapon na yun. Tumbling sya sa pag ubos ng load ng kanyang cellphone. Alam mo na parang call center lang yung feeling. Lahat na ata ng kaibigan nya at kamag anak sa lahat ng part eng Pilipinas ang nakausap nya ng hapon n yon. Oha. Bongga ang globe!
Dahil sa globe abot mo ang mundo! Connect si Mother dyan.
Halos maubos ang lakas ko at kaluluwa sa pag tuturo sa kanya sa pag gamit ng bago nyang cellphone. Mga 2 oras siguro or more kaming nag tuturuan ay syempre d pa din nya nakuha. Hay bahala na nga.
The Departure.
Maraming briefing kung ano gagawin nya kase si Mother ay Senior citizen na. Alm mo na. . . medyo hindi pa jetsetter kaya may konting kaba.
Maraming Q and A portion and more briefing. Again maraming Q and A at more briefing. Hahaha. Sana nga may recorder ako kagaya ng sa mga reporter. Helpful yun di vah?
Madaling araw kami lumakad pa airport.
Nagpaalam at pumasok na ng airport si Mother.
Kami nman ni M nag pahatid na sa QC.
Mga ilang oras pa ako bago nakatulog sa takot ko lang na mag ka problema sa airport si Mother.
Hay salamat. Wala namang tumawag.
2 comments:
ate mariel! :) musta na? si cookie buntis na ba? hihihi!:D
mukhang magmimisa mudra mo sa US ha! sacred heart at tabernacle na lang kulang. ikaw na lang altar boy! ay girl pala! hehehe. :D
miss ko na kayo ni val. :)
happiness di vah?
si cookie ay cuteness pa rin.
ewan ko ba kay mother kung ano plano sa US.hmmm. . . parang balak ko na tuloy mag madre.award
miss ko kayo ni val!
kiss kiss hugs hugs
Post a Comment